..
...
| Ang
salitang "pagbabawas" ay nangangahulugan ng pagpapaliit sa
isang bagay. Tignan Mga Prinsipyo
ng Pagsasakapangyarihan ng Komunidad. |
.... |
Kabaligtaran
ng “pagpapawi” kung saan pansamantalang ginagamot ang
mga sintomas ng kahirapan,ng
pagbabawas ay nakikita bilang tamang daan sa pagpupuksa o pag-aalis. |
...
..
..
| Minsan
ay tinatawag ding pagbibigay-buhay sosyal o panlipunan, Mula sa salitang
Latin anima (buhay, kaluluwa,apoy,otomatic na galaw). Pagpapasigla or pagpapakilos
sa komunidad para mapagalaw ang sarili, para ito ay mabuhay, para ito luminang
o umunlad. |
............ |
Minsan
ay ginagamit bilang kapalit ng pagpapakilos. Ang pagbibigay-buhay ay nangangahulugan
ng pakiisa at pagpapakilos ng komunidad para magawa ang (bilang nagkakaisa)
nais nitong gawin. |
..
| Sa
Pagsasanay para sa Pamamahala ng Komunidad ay ginagamit ang pagbibigay-buhay
bilang isa sa mga pamamaraan ng pagsasanay upang madagdagan ang kapasidad
o kakayahan ng komunidad, |
.. |
Sa
Pagsasanay sa Pamamahala ng Komunidad ginagamit ang pagbibigay-buhay panlipunan,
gamit ang mga pamamaraan ng pagsasanay sa pamamahala para madagdagan ang
kapasidad o kakayahan ng komunidad, o ng mga organisasyong pangkomunidad,
para magdesisyon, magplano, at mamahala ng sarili nitong kalinangan o pag-unlad.
Sinasanay nito ang mga miyembro ng komunidad at mga lider sa mga pamamaraan
ng pamamahala na kinakailangan para magkaroon ng kontrol ang komunidad
sa sarili nitong kalinangan o pag-unlad |
.
.
| Pagbibigay-Buhay
Panlipunan: |
...
| Ang
pagbibigay-buhay panlipunan ay nangangahulugan ng pagbibigay buhay (¨anima¨)
sa mga institusyon ng lipunan gaya ng komunidad. |
. |
Kadalasang
tinatawag ng ¨pagbibigay-buhay¨ (hindi dapat ilito sa paggawa ng mga
¨cartoons¨ para sa pelikula o telebisyon). Tignan Pagbibigay-Buhay. |
..
..
...
| Ang
pagdiriwang ay isang masayang pagkilala sa isang kaganapan o pangyayari,
kadalasan ito ay bumabago sa estado ng isang tao o bagay. Ang pagdiriwang
ay isang pagtitipon. |
. |
Para
sa tagapagpakilos, ang pagdiriwang para sa pagkompleto sa isang proyektong
pangkomunidad ay isang mahalagang elemento ng pagsasakapangyarihan ng komunidad,
kung saan ang komunidad ay kinikilala sa matagumpay na pakikilahok sa pagtulong
sa sarili. |
.
....
.
...
| Sa
lahat ng pamamaraan ng pag-aaral (pagbabasa, pakikinig, panonood), ang
pinaka-epektibo ay ang ¨paggawa¨. Tignan Pamamaraan
ng Pagsasanay. |
|
Sa
pag-aaral hango sa paggawa ay maaaring isama ang tuwirang paggawa ng gawain
sa labas sa ilalim ng pagsusubaybay ng tagapagsanay, o ang di-tuwirang
paggawa gaya ng pakikilahok sa sesyon ng pagganap ng karakter o larong
pagkunwa. |
...
..
...
...
...
| (Deutsch:
Empowerment,
die
stärkung, Stärken,
English:
capacity
development, empowerment,
power, strengthening,
Español: potenciación,
Filipino/Tagalog: pagpapalakas,
Français:
empowerment,
हिन्दी (Hindi): षमता विकास अधिकारिकरण,
Italiano: empowerment,
Kiswahili:kujengea
uwezo, Português: desenvolvimento
de capacidade, fortalecendo,
Romãnã:
dezvoltarea
capacitatii,
intarire,
Pyccкий: Рaзвития,
Somali:
xoojinta). |
.
...
| Ang
salitang "pagpapatuloy" ay mahalaga sa pagtulong sa paglinang
o pag-unlad. (Ang salitang ito ay hindi makikita sa diksyonaryo).
Ito
ay tumutukoy sa "kakayahan" ng isang bagay na "ituloy" matapos alisin
ang suportang nanggagaling sa labas. Para sa komunidad na nagtatayo ng
pagkukunan ng tubig, ang pagkukumpuni, paglilinis at paggamit ng bomba
matapos itong itayo ay ang resultang hinahanap. |
..... |
Para
sa nagbibigay ng laang-gugol (pondo) mula sa labas, ito ay ang pagpapatuloy
ng proyekto o ng mga resulta nito pagkaalis ng nagbibigay. Para sa iyo,
bilang isang tagapagpakilos, ito ay ang pagpapatuloy ng proseso ng panlipunang
pagpapalakas ng komunidad kahit wala ka na. Para sa mga tagataguyod ng
kalikasan at ekolohiya, ang pagpapatuloy ay kailangang - ang mga gawain
ay kayang ipagpatuloy (halimbawa bayolohikal) sa pisikal na lugar, na ang
mga likas na yaman na hindi napapalitan ay hindi mauubos. |
..
.
...
| Ang
salitang “pagpapawi,” ay nangangahulugan ng pansamantalang
pag-aalis sa sakit at hirap. Ang pagbibigay ng pera sa mahihirap
ay hindi pumupukaw sa kahirapan. |
. |
Bilang
tagapagpakilos ikaw ay tumututok sa paglaban sa mga dahilan hindi sa mga
sintomas ng kahirapan, dapat nating iwasan ang pamamaraan na ito
(ang simpleng pagpapawi sa pamamagitan ng pagsasalin ng pera). |
...
.
...
| Ang
pagpaplano ay nangangahulugan ng pag-iisip at pagtukoy sa mga gagawin.
Ang isang magandang plano ay may mga sunod-sunod na hakbang patungo sa
mga nais na makamit (mula sa kasalukuyang sitwasyon). Tignan Plano
ng mga Gawain. |
. |
Isang
epektibong paraan ay ang ¨pagbabaligtad ng pag-iisip¨ kung saan ikaw
ay nagisimula sa kung ano ang nais na makamit, at tignan ang kasunod na
hakbang bago dito, pagkatapos ang susunod na hakbang hanggang makarating
ka sa kasalukuyang sitwasyon. |
...
...
| Pagsasanay
sa Pamamahala: |
..
| Ang
pagsasanay sa pamamahala ay iba sa tradisyonal na pagsasanay (kung saan
binibigyang diin ang paglipat ng kakayahan) sapagkat ito ay ginagamit bilang
isang paraan ng pagpapakilos at pagtatatag (o muling pagtatatag) ng mga
systema ng pamamahala. Tignan "pagsasanay para sa aksyon,"sa ibaba.
Tignan din "pagsasanay sa pamamahala sa komunidad," sa itaas. |
. |
Habang
ito ay ginawa para sa mga matataas na opisyal sa mga malalaking korporasyon
na komersyal, ito ay isang mahalagang paraan na maaaring idagdag sa pagbibigay-buhay
panlipunan sa pagpapalakas o pagsasakapangyarihan ng mga komunidad o grupo
na may mababang kita. |
, ,
.
| Ang
pagsubaybay ay isang regular na obserbasyon, pagtatala, pagsusuri at pag-uulat
ng mga gawain o aktibidades at pati na rin ang mga resulta ng mga gawain
na ito, sa isang proyekto o kahalintulad na gawain. (Tignan Pagsubaybay). |
.
.
...
| Ang
"pagsusuri
ng sitwasyon" ay isang paraan kung saan ang kabuuang katangian at
mga problemang binibigyang prayoridad ng komunidad ay tinutukoy. Tignan
PAR. |
. |
Ang
iyong trabaho bilang tagapagpakilos ay siguraduhing ang lahat, o kung ilan
mga miyembro ng komunidad ang possibleng makilahok sa pagmamasid at pagsusuri
ng sitwasyon ng komunidad. |
.
.
| Pagtangkilik
(Dependency Syndrome): |
..
| Ang
pagtatangkilik ay isang ugali o paniniwala na ang isang grupo ay walang
kakayahang lutasin ang kanilang mga suliranin ng hindi naghihingi ng tulong
sa iba. |
. |
Ito
ay isang kahinaan ng pinalalala ng kawangkagawa.Tignan: Ang
Pagtangkilik. |
.
.
| Pakikilahok
(Partisipasyon): |
...
| Ang
¨Pakikilahok¨ ay ginagamit sa iba't ibang konteksto sa lugar na ito.¨Pakikilahok
ng Komunidad" nangangahulugan na ang lahat ng miyembro ng komunidad
ay nakikilahok sa pagpapasya na nakaka-apekto sa komunidad (hindi lamang
kinukonsulta o nagbibigay ng kontribusyon). Tignan PAR.
Tignan din Pangsambayanang Tipan o Kompromiso. |
. |
Ang
¨Pakikilahok na Pagsasanay¨ ay nangangahulugan na ang mga nagsasanay
ay natututo sa pamamagitan ng panggawa, halimbawa
pakikilahok bilang isang epektibong pamamaraan ng pag-aaral ng mga kasanayan.
Ang mga kalahok ay hindi natututo kapang sila ay nakikining lamang sa lektyur
o presentasyon.¨Pakikilahok na Pamamahala¨ ang ibig
sabihin nito ay ang pamamahala ay hindi lamang nasa mga tagapangasiwa,
ngunit ito ay trabaho ng lahat. "Pakikilahok na Pagsusuril" (PRA)
ito ay nangangahulugan na ang komunidad o organisasyong naaapektuhan ay
nahikayat na makilahok sa pagtatasa o pagtatantiya ng sitwasyon at pagtukoy
sa mga prayoridad. |
.
.
| Pakikilahok
na Pagtataya (Tasasyon) |
...
| Bago
planuhin ang isang proyekto, ang sitwasyon ay kailangang tayahin o tasahin
(assess). PAR o PRA |
. |
Para
ang isang proyekto ay maging "batay sa komunidadkinakailangang
ang buong komunidad ay makilahok sa pagmamasid at pagsusuri, titignan ang
mga problema, mga potensyal, mga yaman at mga balakid. |
...
| Ang
komunidad at ang mga miyembro nito ay hindi agarang nakikilahok sa sarili
nitong tasasyon (assessment). Ang kautusan, patas, pariral ng disenyo ng
proyekto o pagsasaad ng intensyon ay hindi kasiguraduhan na ang buong komunidad
ay makikilahok. |
. |
Ang
mga miyembro ng komunidad ay nangangailangang palakasin ang loob, gayundin
ng mga kasanayan, stimulasyon at gabay upang makilahok sa tasasyon. Ilang
sa mga gawain ng isang manggagawa sa komunidad, tagapagpakilos o tagapasilita,
ay ang ibigay ang mga ito. |
...
|
Ang pagbibigay
ng ganitong stimulasyon at pagsasanay ay tinatawag din sa akronim
na, PRA or PAR.
|
...
.
| Pagiging
Bukas (Transparency): |
...
| Ang
panganganinag
o pagiging bukas ay isang mahalagang elemento ng pagpapalakas ng komunidad
(Tignan mga elemento ngpagsasakapangyarihan).
Ang salitang "aninag" dito ay nangangahulugan ng abilidad na makita ang
lahat. |
. |
Kapag
mga manggagawang sibil o sa gobyerno ay gumagawa ng mga bagay (gaya ng
paggawa ng mga pasya, magtalaga ng mga yaman) ng pasikreto, itinatago ang
kanilang mga gawain sa mga tao, hindi sila nanganganinag o naaaninag (bukas).
Tinatrato nila ang mga tao ng parang kabute ("mushroom
treatment¨). |
...
| Ito
ay nagdudulot ng pagkawalang tiwala, pagkawalang bahala o kalamigan ng
loob, at marhinalisasyon (mga salik ng kahirampan
at pagiging mahina ng komunidad). Ang iyong trabaho bilang tagapagpakilos
ay itaguyod ang pagiging maaninag o bukas. Gagawin mo ito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng paliwanag kung ano ang ibig sabihin nito. Na ang mga tao
ay may karapatan at tungkulin na malaman kung ano ang mga nagyayari. Pagtatahas
ng Kamalayan). |
. |
Dapat
ding siguraduhing ito ay isang importanteng elemento ng organisasyong pangkomunidad
na iyong itatatag. Ang mga batas tulad ng ¨Freedom of Information Act¨
o iba pang mga batas na tulad nito na sinisigurado na ang mga detalye ng
paggastos ng gobyerno ay dapat makukuha ng publiko (bilang parte ng ¨public
records¨), na nakatangka para sa pagtataguyod ng pagiging maaninang o
bukas ng gobyerno, datapwat ang ibang mga opisyal ay tatangkaing parupukin
ang kahulugan ng mga batas na ito. |
...
| Kung
itinatago ang problema, tinatakpan o itinatatwa na mayroong problema; sigurado
lamang na hinahadlangan mo ang mga solusyon. |
. |
Kung,
sa halip, ay hindi mo ito tatakpan, aaminin, at matapat na susuriin, ikaw
ay nasa landas ng paglulutas ng problema o suliranin. Ang pagiging maaninag
o bukas ay nakapagpapalakas. |
...
...
| Panukat
na Ginagamit sa Pagsusubaybay: |
...
| Kwalitatibo
at kwantitatibo na panukat (mga senyales) para sa pagsusukat o pagsusuri
ng mga nagawa, o antas ng mga nagawang aktibidades sa proyekto, mga layunin
at mga resulta. |
. |
Ang
mga ito ay dapat na obdyektibong tiyakin: Tignan Pagsusukat
ng Lakas na nagpapakita ng nais na resulta ng pagpapakilos sa komunidad,
halimbawa, pagsasakapangyarihan. |
.
. .
| Pangunahing
Kalingang Pangkalusugan (PKP): |
...
| Ang
konsepto ng pangunahing kalingang pangkalusugan, itinataguyo at sinusuportahan
ng WHO, ay mga patakaran at mga kasanayan na pinagsama-sama. Ang mga ito
ay artikular sa mga interes ng mga mahihirap at mga mamamayan na nasa mga
bansang mababa ang kita. |
. |
Kasama
sa mga prinsipyo ng mga patakaran at kasanayang ito ang pagbibigay diin
sa paggastos sa murang pangunahing kalingang pangkalusugan ng mga ordinaryong
sakit, na kadalasan na nakukuha ng populasyon, sa halip na maglagay ng
mga yaman o kagamitan na mahal at sopistikadong (halimbawa ¨high tek¨)
mga kasanayan sa paggagamot na ang mga mayayaman lamang ang maaaring magbenepisyo. |
...
| Kinikilala
din nito na ang pagpigil o pagsansala ay mas mura kaysa pagbibigay ng lunas,
na mas naaagapan ang mortaliti o pagkakamatay (mortality)( dami ng namamatay)
at katamlayan (morbidity) (dami ng nagkakasakit) na nakapagpapahirap sa
ekonomiya. Ito rin ay mas makatao. |
. |
Kinikilala
din nito na ang mga mamamayan ay maaaring sanayan sa mga pangunahing kakayahang
medikal at maaaring mas makaabot sa mga lugar na malalayo. Sila din ay
maaaring magtukoy (refer) sa mga mahihirap na kaso sa mga mas may kasanayan
(mga propesyonal) sa syudad. |
...
| Ang
PKP ay mahalaga para sa mga tagapagpakilos sa mga mahihirap na bansa, dahil
ito ay kinakailangan maintindihan ng mga tao, at ito ay mas epektibong
paraan ng pagtataya ng limitadog yaman o kagamitan. |
... |
Ang
mga prinsipyong makikita sa PKP ay maaari ring gamitin sa iba pang mga
gawaing batay sa komunidad gaya ng mga gawaing panlipunan na batay sa komunidad.
Tignan ang akronim PKP. |
...
.
...
| Bilang
tagapagpakilos, tayo ay gumagawa patungo sa pag-aalis o paglipol sa mga
suliraning panlipunan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga dahilan,
at pagkilos upang ang mga ito ay labanan at alisin. Dahil ang kahirapan
ay isang suliraning panlipunan, ang solusyon sa problemang ito ay
panlipunan din. |
. |
Dalawang
komplementaryong paraan ng pagsugpo sa kahirapan (komunal at pribado) ay
matatagpuan sa dalawang komplementaryong modulo dito ( Ang
Siklo ng Pagpapakilos ng Komunidad), at Balak
o Plano para sa Paggawa ng Pagkakakitaan. |
.
...
| Pagsasakapangyarihan
ng Komunidad: |
...
|
Upang dagdagan
ang kakayahan ng komunidad ay dapat dagdagan ang abilidad nito na gumawa
ng mga bagay para sa sarili nito.
|
.
|
Ito ay higit
pa sa pagdadagdag ng mga serbisyong pangkomunidad o mga pasilidad gaya
ng mga daan, sanitasyon, tubig, at edukasyon at kalingang pangkalusugan.
|
.
| Ang
ibig sabihin nito ay karagdagang kakayahan at lakas. Ito rin ay nangangahulugan
ng mas maraming kakayahan, tiwala, at mga epektibong organisasyon. Ito
ay hindi nakukuha ng dahil lamang sa kawang-gawa o mga donasyon ng yaman
o kagamitan mula sa labas. Ito ay maaaring ipasilita sa pamamagitan ng
mga aksyon gaya ng mga proyektong pangkomunidad, ngunit ito ay kung ang
lahat ng mga miyembro ng komunidad ay makikilahok mula sa simula, upang
magpasya ukol sa aksyong pangkomunidad, upang tukuyin ang mga yaman o kagamitan
sa loob ng komunidad, at upang linangin ang pag-ako ng pagmamay-ari at
responsibilidad ng mga pasilidad na pangkomunidad mula sa umpisa hanggang
sa katapusan. |
. |
Habang
ang demokratisasyon ay maaaring matulungan ng gobyerno sa pagpapasa ng
ilang kapangyarihang gumawa ng batas sa komunidad, ang kakayahan upang
gamitin ang mga legal na pagpapasya ay nakadepende sa pagiging praktikal
ng kakayahan, halimbawa ang kakayang magpasya ukol sa sarili nitong kaunlaran,
upang tukuyin ang sarili nitong kinabukasan. Kapangyarihan, lakas, kakayahan,
abilidad, pagsasakapangyarihan. |
.
..
| Pagsasanay
as Pamamahala ng Komunidad: |
...
| Ang
pagsasanay sa pamamahala ng komunidad
ay tumututok sa pagbabawas ng kahirapan, ang pagpapalakas sa mga komunidad
na mababa ang kita sa pagpaplano at pamamahala ng mga pasilidad na pangpamayanan
at mga serbisyo, ng pagtatayo, operasyon at pagmementena ng mga ito. Ito
ay pagsasakay para sa aksyon, hindi lamang para sa pagsasalin ng kakayahan
o para magbigay ng mga impormasyon sa mga tao. |
. |
Ang
pagsasanay, bilang isang paraan ng pagpapalakas sa mga komunidad na mababa
ang kita, para mabawas ang kahirapan, para itaguyod ang pakikilahok na
pangkomunidad, para sa praktikal na suporta para sa demokratisasyon at
desentralisasyon, ay malayo sa pagsasalin lamang ng mga impormasyon at
kakayahan sa mga nagsasanay. Kasama din dito ang pagpapakilos
at pagtatatag. Ito ay hindi
tradisyonal na pagsasanay. |
.
|
Ang
ganitong uri ng pormalisasyon at institusyonalisasyon ng pagsassanay ay
naghahatid ng panganib ng paghihina ng pagsasanay, ng pagbibigay diin sa
pagsasalin ng kakayahan sa halip na palakasin ang loob, pagpapakilos at
pagtatatag ng mga aspeto ng pagsasanay.
|
...
| Pagsasanay
sa Pamamahala ito ay nilinang para sa pagpapalakas ng epektibong paglikom
ng kita ng mga matataas na tagapamahala korporasyon . |
. |
Ito
ay iniba dito, at isinama sa mga pamamaraan ng pagtatatag ng mga unyong
pangkalakalan, para sa layunin ng pagpapakilos at pagpapalakas ng kakayahan
ng mga kominidad ng mababa ang kita upang sila ay magsama-sama na tulungan
ang sarili, para sa pagbabagong kaunlarang panlipunan. |
.
..
..
|
Ang
pagsasawalang bahala ay isa sa mga limang pangunahing salik
ng kahirapan at pagtangkilik.
|
..
| Minsan
ito ay may relasyon sa pilosopiya ng ¨BAHALA NA¨. "Magdasal sa Diyos,
pero dapat magsagwan patungo sa dalampasigan," isang kasabihang
Ruso
(Russian), ipinapakita nito na tayo ay nasa kamay ng Diyos, subalit
mayroon din tayong responsibilidad na tulungan ang ating sarili. |
.. |
Tayo
ay nilikha ng may maraming kakayahan: para pumili, para makiisa, para magtatag
upang mapabuti ang kalidad ng ating buhay; hindi dapat gamiting rason (reason)
ang Diyos o si Allah sa hindi natin pagkilos. |
.
.
| Pagtangkilik
(Dependency Syndrome): |
..
| Ang
pagtatangkilik ay isang ugali o paniniwala na ang isang grupo ay walang
kakayahang lutasin ang kanilang mga suliranin ng hindi naghihingi ng tulong
sa iba. |
. |
Ito
ay isang kahinaan na pinalalala ng kawangkagawa.Tignan: Ang
Pagtangkilik. |
.
......
| Pagtatayo
ng Kakayaan; Paglilinang ng Kakayahan: |
...
...
| Ang
pagkakaiba ng paglilinang ng kakayahan at ng pagtatayo ng kakayahan ay
makikita sa kung saan nanggagaling ang lakas ng paglago o pag-unlad. |
.
|
Ang
terminong "pagtatayo ng kakayahan" ay nagpapakita na ilang mga ahensya
sa labas ng komunidad o organisasyon ang nagbibigay ng lakas upang madagdagan
ang kakayahan. |
....
| Ito
ay nababatiran ng konsepto ng "pag-iihinyerong
sosyolohikal." |
.
|
Ang
terminong "paglilinang ng kakayahan," naman ay nagpapakita na ang lakas
para sa pag-unlad ay nasa loob ng komunidad o organisasyon. |
....
.
|
(Deutsch:
leistungsaufbau;
leistungsentwicklung,
English:
capacity
development, Español: desarrollo
de la capacidad, Français: renforcement
des capacités, développement
des capacités, bâtiment
de capacité, développement
de capacité, fortifier
de la communauté, िन्दी (Hindi): षमता विकास,
Kiswahili: kujengea
uwezo, Kiswahili: kujengea
uwezo, Português: desenvolvimento
de capacidade, Somali: awoodsiinta).
|
.
| Pakikilahok
ng Komunidad: |
..
| Ang
pakikilahok ng komunidad ay higit pa sa kontribusyon na trabaho o mga kagamitan;
ito ay pakikilahok sa pagpapasya, na pumili ng proyektonbg pangkomunidad,
planuhin ito, isagawa ito, pamahalaan, subaybayin, at kontrolin ito. Ang
pakikilahok ng komunidad ay iba sa kontribusyon ng komunidad. |
. |
Pagbibigay-Buhay
Panlipunan itinataguyod ang mga gawain ng tinututukang komunidad, kung
saan nakikita ang komunidad na umaako ng responsibilidad sa sarili nitong
kaunlaran, mula sa pagpapasya kung ano ang mga proyekto na gagawin, at
paghihikayat para mapakilos ang mga yaman o kagailangan at pagtatatag ng
mga gawain. |
.
|
Ang
pagtataguyod sa pakikilahok ng komunidad ay tumututok at sinisiguro na
ang mga pasya na nakakaapekto sa komunidad ay gagawin ng lahat (hindi lamang
ng iilan) ng miyembro ng komunidad (hindi ng mga ahensya sa labas).
|
.
| Sa
pamamaraang ito, ang kontribusyon ng komunidad ay hinihikayat, dahil ito
ay nakakatulong sa komunidad upang ito ay maging mas responsable sa mga
gawain kung sila ay magbibigay ng mga kailangan sa paggawa nito. Hinihikayat
din natin ang gobyerno, at ang mga nagbibigay ng donasyon na idulong ang
mga gawain sa komunidad; ito ang tinatawag na konsultasyon sa komunidad. |
. |
Ang
pakikilahok ng komunidad dito ay dapat hindi ginagamit bilang katumbas
ng kontribusyon ng komunidad o konsultasyon sa komunidad. (gaya ng kadalasang
nagagawa ng mga ahensyang tumutulong); Ang pakikilahok dito ay nangangahukugan
ng pakikilahok sa pagpapasya, sa pagkontro at sa koordinasyon. |
.
.
| Pakikilahok
na Pagtataya (Tasasyon) |
...
| Bago
planuhin ang isang proyekto, ang sitwasyon ay kailangang tayahin o tasahin
(assess). PAR o PRA |
. |
Para
ang isang proyekto ay maging "batay sa komunidadkinakailangang
ang buong komunidad ay makilahok sa pagmamasid at pagsusuri, titignan ang
mga problema, mga potensyal, mga yaman at mga balakid. |
...
| Ang
komunidad at ang mga miyembro nito ay hindi agarang nakikilahok sa sarili
nitong tasasyon (assessment). Ang kautusan, patas, pariral ng disenyo ng
proyekto o pagsasaad ng intensyon ay hindi kasiguraduhan na ang buong komunidad
ay makikilahok. |
. |
Ang
mga miyembro ng komunidad ay nangangailangang palakasin ang loob, gayundin
ng mga kasanayan, stimulasyon at gabay upang makilahok sa tasasyon. Ilang
sa mga gawain ng isang manggagawa sa komunidad, tagapagpakilos o tagapasilita,
ay ang ibigay ang mga ito. |
...
|
Ang
pagbibigay ng ganitong stimulasyon at pagsasanay ay tinatawag din sa akronim
na, PRA or PAR.
|
...
.
...
|
para
pakilusin
ay para magdulot ng aksyon
sa loob ng isang grupo o komunidad.
|
.
| Stimulasyon.
Hindi kagaya ng pagtatag, dahil
may aksyon na dapat mangyari (ang mga tao ay kumikilos, , gumagalaw) before
it can be called mobilization. |
. |
bago
ito masasabing pagpapakilos o mobilisasyon. Kagaya ng pagbibigay-buhay
sosyal o panlipunan, maliban sa ang pagbibigay-buhay ay nangangailangan
ng pagpapakilos at pagtatatag. Tignan¨Aksyon." |
...
..
.
| Ang
salitang ¨kasarian o pangkasarian¨ ay ginagamit pata kilalanin ang dalawang
kategorya, ¨pangkalalakihan ¨ at ¨ pangkababaihan¨." |
.
|
Ito
ay hindi dapat ihalintulad o sili kaya'y isipin ang salitang "kasarian"
na ginagamit lamang para kilalanin ang "lalake" and "babae." |
....
| Ang
pangkasarian, at ang mga interpretasyon ng kung ano ang bumubuo sa pangkalalakihan
o pangkababaihan ay di hamak na iba sa kultura at bawat kultura, sa komunidad
at bawat komunidad. |
.
|
Ang
ating binibigyan pansin sa pangkasarian o kasarian ay nakatutok sa kung
paano ang mga pagkakaiba ng kasarian ay nakakaapekto sa distribusyon ng
kapangyarihan, relasyong pang-ekonomiya, at pagkakaiba sa lipunan. |
....
| Ito
ay mga mahahalagang salik na umaapekto sa mga komunidad, at may epekto
sa uri ng trabaho ng bawat tagapagpakilos. |
. |
Ang
tagapagpakilos (bilang parte ng mga kailangang malaman tungkol sa komunidad)
ay dapat naiintindihan kung ano ang mga binibigyang halaga, kaugalian,
at mga konseptualisasyon ang pare-pareho sa mga miyembro ng komunidad. |
...
|
Ang tagapagpakilos
ay dapat ding siguraduhing mabawas ang hindi pantay na politika at pagkakaibang
sa ekonomiya na naghahati sa mga kasarian, bilang mahalagang elemento ng
pagsasakapangyarihan ng komunidad. Tignan ang modulo sa pagsasanay na Pangkasarian
o Kasarian. Tignan din: Edad,
lahi at kasarian.
|
.
.
...
| Ang
pera at kayamanan ay hindi pareho. Ang pera ay isang simbolong kultural
na kinakailangang paniwalaan ng lahat na mahalaga. |
. |
Ito
ay maaaring gamitin bilang panukan ng yaman, isang pamamaraan ng pagsasalin
o pagpapalitan ng kayamanan at isa ring paraan upang magtago ng kayamanan.
(Tignan "kayamanan,"
at Mga Prinsipyo ng Kayamanan). |
...
|
Ang pera ay
hindi kayamanan.
|
.
––»«––
|