..
|
Pagpapatuloy
ng Isang Pamamagitan
|
|
Sa
kabila ng pagiging Nag-iisang Tagapagpakilos
|
.
.
Panimula
ng Modulo.
...
|
Mga
dokumentong kasama rito sa ...na
Modulo
|
..
|
Kapag pumunta
ka sa pang-ehersisyong dyim ng isang beses lamang, hindi mo mapapalaki
ang iyong mga kalamnan.
|
..
| Kapag
tiningnan mong muli ang mga importanteng salita at batayang mga konsepto
na kailangan mong malaman, mahahanap mo ang salitang "pagtuluy-tuloy."
(Hindi ito mahahanap sa mga karamihang diksiyonaryo). |
. |
Paano
natin maipagpapatuloy ang isang bagay o adhikain na nilagay natin sa isang
lugar at mapanatili ito rito? |
..
| Para
sa isang komunidad na ang layunin ay mapabuti ang kalusugan, at ang pakay
ay makagawa ng mga palikuran, ang kaukulan nito sa pagpatuloy ng ganitong
mga adhikain ay mababatay sa mga katanungan tulad ng "Paano natin matitiyak
na ang mga palikuran ay mapapanatiling malinis, maayos, nagagamit at napapakinabangan?" |
. |
Ang
kasagutan ay nasa pagtitiyak ng responsibilidad ng isang komunidad (sa
pamamagitan ng partisipasyon ng isang komunidad sa paggawa ng mga desisyon
at kontrol) sa simula pa lamang ng isang proyekto. |
..
| Para
sa iyo na gumawa ng isang prosesong panlipunan tungkol sa pagbabago ng
isang lipunan at pagbibigay-lakas sa isang komunidad, ang iyong kaukulan
sa pagpapatuloy ng ganitong mga adhikain ay mababatay sa mga katanungan
tulad ng "Paano maipagpapatuloy ng isang komunidad ang pagsulong sa pagbabago
nito, pagsagawa ng sariling pagsusuri, pagpili ng mga bagong priyoridad,
paghanap ng mga bagong pagkukunang-yaman, pag-ako ng mga bagong gawain
sa pagsulong nito sa pag-asa at pagtiwala sa sariling kakayahan?" |
. |
Ang
mga layunin mo at ng isang komunidad ay maaaring magkaiba ngunit magkatugma.
Gusto mong ang iyong pamamagitan ay magtuluy-tuloy. Ang katanungan sa pagpapatuloy
nito ay masasagot sa pamamagitan ng kung paano mo isinagawa ang mobilisasyon
o pagpapakilos. |
..
| Ang
layunin mo ay hindi lamang panandaliang palikuran, paaralan, klinika o
panggagalingan ng tubig. |
. |
Kundi
ang tuluy-tuloy na pag-unlad. |
..
| Ang
modulong ito ay nagsasaad kung papaano mo matitiyak na ang iyong mga gawain
at adhikain ay magpapatuloy. |
... |
Isang
bahagi ng kasagutan ay ang pag-uulit ng mismong siklo ng mobilisasyon/pagpapakilos;
bahagi rin nito ay ang pagkilala at pagsanay ng mga tagapagpakilos mula
sa loob ng komunidad. |
.––»«––
|